Limang Quezonians, Dumalo sa Isang Pagsasalo

ni Nico Jay Padrique ('10)


Kinilala ang limang Quezonians ng batch 2010 sa pangunguna nina Nico Jay Padrique, Edris de vera, Deo Dabandan, Ethelbert Igat at Hirolgeb Barcial bilang pagpapatibay sa kanilang "Collage Scholarship Program" para sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Ginanap ang pagdiriwang sa "Crown Prince Restaurant" sa Escolta, Manila noong Mayo 21, 2010.

Ipinakilala ang mga "scholars" sa pangunahing panauhin sa pangunguna ni G. Diwa Guinigundo, Deputy Governor of Central Bank at sa pamunuan ng "Alumni Foundation" sa pamumuno nina G. Butch Entice, President, Manny Santos, Rey Ignacio Diaz at Tony Pajaro.

Isinagawa ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang salo-salong pagkain ng hapunan na isang dakilang biyaya ng Panginoong Maykapal. Sinundan ito ng pagpapakilala sa mga "scholars" sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanilang adhikain at ambisyon sa buhay.

"Gudluck sa inyo mga "scholars",ipagpatuloy ninyo ang inyong pag-aaral nang sa ganoon ay makamit ninyo ang tamis na tagumpay", pahayag ni G. Diwa Guinigundo bilang pagbibigay payo sa mga "scholars".


View photos

Comments

Be the first to post a comment.

Your Ad Here